Milyong deposito ni CJ Corona barya lang

IPINAHAYAG ng prosekusyon na ang nabulgar na deposito sa bangko ni Chief Justice Renato Corona ay “tip of the iceberg” lamang ng kabuuang ari-arian ng punong mahistrado.

Ani Marikina Rep. Miro Quimbo, unti-unti nang nabubulgar ang mga tagong yaman ni Corona at ang pagkakadiskubre sa hindi deklaradong halos P20 milyon sa dalawang peso account nito sa Philippine Savings Bank noong 2010 na kung tutuusin ay buntot lamang ng mas malaki pang kayamanan ng punong mahistrado.

“Sa nakikita natin, dulo pa lang ng higanteng iceberg ang natutumbok ng ating pagdinig sa impeachment. Ang mga ebidensyang nalantad noong Miyerkules ay nagpapatunay lamang na may itinatagong yaman ang chief justice,” ayon kay Quimbo.

Sa pagtatanong pa ni Quimbo, kung P22.9 milyon lamang ang idineklara ni Corona sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa taong 2010, paanong nakabili ito ng tatlong mamahaling condominium unit na nagkakahalaga ng P27.2 milyon at may nakatago pang P20 milyon sa bangko?

Maliwanag ayon naman kay Deputy Speaker Erin Tañada na ang nabulgar na deposito sa PS Bank ay wala sa deklaradong SALN ng chief justice sa nasabing taon.

Sa panig naman ni Aurora Rep. Sonny Angara ay binigyang diin nito ang biglang paglobo sa P11 milyon ng peso deposits ni Corona sa parehong taon kung kailan nakuha na niya ang pinakamataas na pwesto sa Korte Suprema.

“Dapat nating tandaan na ang end of 2010 balance niya sa dalawang account lamang ay umaabot pa rin sa P20 milyon matapos niyang mabili ang Bellagio property,” ani Angara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply