Mina, lindol at tsunami!

KALAMIDAD ulit.

Nagkalindol na, nag-katsunami pa sa Visayas at Mindanao.

At tulad ng dati, marami ang namatay at nasugatan.

Marami ring mga ari-arian ang gumuho, nasira  at nabitak, kabilang na ang lupa.

Wala tayong nagawa habang binabantayan natin ang kalamidad kundi ang magdasal.

Talaga namang mapadarasal ka, Suki, ng Ama Namin at Ave Maria kung may nagaganap na trahedya.

Kung tutuusin, ‘di rin sapat ang paghahayag ng  kondolens sa mga biktima.

Sa ibang salita, tumu-long pa tayo sa abot ng ating makakaya.

Ang isang kilong bigas, isang lata ng sardinas, isang nudels ay sadyang mahalaga para sa mga biktima.

Mahalaga rin ang kahit isang halo blak, isang supot ng semento, isang yero at iba pang pangangailangan para magkaroon ng bubong ang mga biktima.

oOo

Dito natin naalaala, Suki, ang mga nagaganap sa paligid.

Unahin natin yang tsunami na pumatay ng marami sa Visayas.

Talaga namang iba na ang panahon at yang paninirahan sa mga baybayin ay napakadelikado.

Ano ang pupuwedeng gawin at maitutulong ng pamahalaan upang magkaroon ng ligtas na lugar at tahanan ang mga nakatira sa ganyang mga lugar?

Kailangan ang relokasyon at masaklap isiping marami sa mga nakatira sa tabing dagat ang walang sariling mga lupa.

oOo

Paano kaya kung tamaan  naman ng lindol at tsunami ang mga lugar na minimina ng mga lokal na opisyal, kasama ang mga dayuhan?

Sa totoo lang, inuubos ng mga hunghang ang mga black sand na proteksyon ng mga buhangin at lupa laban sa mga tsunami.

Kabilang sa may pagmiminang ganito ang Cagayan at Zambales.

Ipalindol at ipatsunami na lang kaya ang mga hinayupak na opisyal at dayuhang yan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply