Mineral water ginawang gel ng impeachment lawyer

GINAWANG gel sa buhok ng isang abogado sa impeachment court ang isang bote ng mineral water.

Batay sa nasaksihan ni matang kuwago, bago lumabas ng isang silid o kuwarto ang naturang abogado para magpa-interview sa miyembro ng media ay dinampot nito ang isang bote ng mineral water at ibinuhos sa kanyang kamay.

Matapos na ibuhos ito sa kanyang kamay ay agad itong hinagod sa kanyang buhok sa ulo upang matiyak na maayos ang kanyang buhok.

Ang malupit ay hindi lang ito isang beses ginawa ng naturang abogado kundi dalawang beses.

Sa pagharap nga ng abogado ay akala mo galing siya sa isang hotel este isang comfort room yun pala sa kanilang kuwarto lamang.

Grooming at goodlooking ang buhok ng naturang abogado dahil sa sobrang pagkakaplantsa ng kanyang buhok sa tulong ng mineral water.

Bukod dito, mahilig din sumalisi nang simpleng hipo, este, haplos ang naturang abogado at matapos nito ay halos kainin at halayin na ang kausap na isang babae sa pamamagitan ng isang bulong.

Clue: Ang naturang abogado sa impeachment court ay mukhang foreigner pero ang sabi ng kanilang grupo ay purong Pinoy ito.

May letrang O sa kabuuan ng kanyang pangalan.

Mahilig siyang magsuot ng medyas na colorful na kung minsan ay kulay pula o kaya’y orange.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply