Miracle and fairytale

BAGAMAT marami ang hindi naniniwala na mangyayari sa tunay na buhay, ay umaasa naman tayo na sana nga ay may milagrong mangyari sa buhay natin o kaya naman ay “we live happily ever after” na laging ending ng mga fairy tale.

Sa dalawa, mas kapani-paniwala ang milagro o himala lalo na sa mga taong malakas ang paniniwala at pananampalataya sa Diyos. Hindi pinagdududahan bagkus ay bahagi ng ating relihiyon ang mga milagrong ginawa ng Diyos. Mga milagrong nakasaad sa mga talata ng Biblia.

May mga milagro rin na pinaniniwalaan na nangyari katulad sa Fatima at iba pang bahagi ng mundo kung saan di umano ay nagpakita si Mother Mary.

Sa ating mga ordinaryong nilalang ay tinuturing natin na milagro ang mga pangyayari sa buhay natin na nakapagbigay sa atin ng pag-asa. Paggalling sa malubhang sakit, pagtama sa lotto, kaligtasan sa pinid ng kamatayan at marami pang iba.

Ang fairy tale naman ay isang panaginip na nagmumula sa kathang isip ng tao.
Naging bahagi ng ating alaala ang mga kwento katulad ng Snow White, Sleeping Beauty at ni Lola Basyang na natu-tuhan natin mula sa pagkabata.

Bagama’t masasabing walang katotohanan ang mga fairy tale, ang mga ito naman ay mga nais natin mangyari sa atin para maging maligaya sa buhay. Sa mga Fairy tale nabubuo ang ating pantasya sa pag-iibigan o kaya ang buhay na walang problema.

Kapag kapiling nating ang mahal natin sa buhay ay puro rosas ang nakikita natin sa ating paligid. Masaya ang buhay ika nga at kapag may problema maaayos din ito at happy ending ang resulta and “they live happily ever after.”

Sa ating buhay, kapag may mabigat tayong problema, nananalangin tayo na sana may himala na mangyari. At kapag naayos ang problema, tinuturing natin ang mga ito na himala sa ating buhay.

May himala mang naganap o wala, ang mahalaga ay nagkaroon ng kalutasan ang problema. At pagkatapos ay umasa tayo ng magandang kinabukasan tulad ng mga fairy tale. Totoo man o hinidi ang HIMALA at HIWAGA, nasa atin pa rin ang gawa at sa Diyos ang awa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply