Miriam: Banal, Umali guilty sa paglabag sa bank law

GUILTY umano sina Oriental Mindoro Rep. Rey Umali at Quezon City Rep. Jorge Banal sa paglabag sa foreign account secrecy law.

Ito ang paniniwala ni Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago.

Ayon kay Santiago, sa ilalim ng batas, maituturing na sina Umali at Banal ang umano’y nagnakaw sa signature cards ni Chief Justice Renato Corona mula sa Philippine Savings Bank (PSBank) Katipunan branch.

“Ang sabi ng batas, kapag hindi mo maipaliwanag yan, ibig sabihin ikaw ang nagnakaw niyan,” pahayag ni Santiago sa ika-20 araw ng impeachment trial ni Corona.

Sinabi pa ng senadora na batay sa nakasaad sa Rule 131 ng Rules of Court hinggil sa disputable presumptions na: “(j) That a person found in possession of a thing taken in the doing of a recent wrongful act, is the taker and the doer of the whole act.”

Hindi rin umano kapani-paniwala ang istorya nina Banal at Umali ukol sa kung paano napasakamay nila ang nasabing dokumento.

Magugunitang, sinabi noon ni Umali na kanyang natanggap ang kopya ng signature cards ni Corona mula sa isang “small lady.”

Ayon naman kay Banal, mayroong nag-iwan at nag-ipit ng kopya ng dokumento sa gate ng kanyang bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply