Miriam kakalmahin sa mosyon vs bank records

KAKALMAHIN ng impeachment court si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa inihain nitong motion for reconsideration sa bank records ni Chief Justice Renato Corona sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa mambabatas na ipaliwanag ang kanyang hinaing bago simulan ang paglilitis ngayon.

Sa panayam, sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na kailangan madinig ang personal na pagpapaliwanag ni Santiago sa kanyang mga katuwirang inilatag kaya’t naghain ng mosyon na kumokontra sa subpoena sa bank records ni Corona.

“The Chair ruled that is hereby order to hear the position of the movant, Senator Miriam Santiago, to express her position in person, and explain to the Court, the motion accordingly,” ayon kay Enrile.

Nitong Lunes (Pebrero 6), inaprubahan ng impeachment court ang kahilingan ng House prosecution panel na ipatawag ang mga opisyal ng Philippine Savings Bank (PSB) at Bank of Philippine Islands (BPI) upang tumestigo at isumite ang bank records ni Corona.

Ngunit, naghain si Santiago ng mosyon na kumokontra sa inaprubahang kautusan ng korte dahil lalabagin nito ang karapatan ni Corona alinsunod sa itinakda ng Bank Secrecy Law at Foreign Currency Deposit Act na mahigpit na ipinagbabawal na ilantad ang nilalaman nang walang pahintulot sa may-ari ng account.

“Nevertheless the proper thing to do is  to hear the view of the judge who is absent and give her the chance to express her view,”  ayon kay Enrile.

“The chair is to make a rule, anyway the witnesses expected to appear in this hearing on issue on the basis of the ruling of the impeachment to appear before us in the afternoon. The chair would make an ruling either to deny or sustained the motion,” giit pa ni Enrile. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply