Miriam sa defense panel, dumulog sa impeachment court

PINAYUHAN ni Senadora Miriam Defensor Santiago ang defense panel na sa Senado mismo umapela sa halip na dumulog sa Supreme Court (SC).

Ito ay batay pa rin sa reklamo sa sinasabing hindi patas na paglilitis sa kaso ni Chief Justice Renato Corona.

Nauna rito, dumulog nitong Miyerkules si Corona sa Korte Suprema para hilingin ang pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa impeachment trial.

“I am afraid I have to say that they have no remedy except a motion for reconsideration with the Senate. If that motion is denied, and no second motion, and we decide we do not accept any further motion for reconsideration, they have no more remedy, I’m afraid, ” pahayag ni Santiago.

Binigyang diin naman ni Senador Franklin Drilon na ang mismong impeachment court ang makareresolba sa mga hinaing ng depensa at hindi ang Korte Suprema.

Pero sa panig ni former Justice Serafin Cuevas, lead counsel ng depensa, tumugon lamang sila sa naging payo ni Senate President Juan Ponce Enrile na dumulog sa ibang forum sa oras na hindi kontento sa takbo ng paglilitis.

Umalma ang depensa nang tanggihan ng impeachment court ang paghain nila ng motion for reconsideration laban sa kautusan ng hukuman na i-subpoena ang bank  records ni Corona dahilan upang dumulog na sila sa Korte Suprema.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply