Miriam sa prosekusyon: ‘Ang yayabang ninyo’

BINATIKOS din ni Senator-judge Miriam Defensor-Santiago ang aniya’y mayabang na pahayag ng House prosecution Panel na mananalo sila impeachment trial laban kay Supereme Court Chief Justice Renato Corona.

“Ang yayabang niyo! Mga gago naman! … Ang kagaguhan is ground for contempt of court (sic),” ayon sa pahayag ng senadora ngayong ika-26 araw ng paglilitis sa punong mahistrado.

Nabatid pa sa senadora na tila propaganda lamang ang ginagawa ng prosekusyon para sabihing sapat na ang isang artikulo para mapatalsika sa puwesto si Corona kaya nagdesisyon agad na huwag itinuloy ang natitirang mga articles of impeachment na kinabibilangan ng 1, 4, 5, 6 at 8.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply