Misis, aso inutas muna ng nag-suicide na mister

DALAWANG tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng 55-anyos na ginang matapos barilin ng dalawang beses ng isang mister,  bago nagsaksak sa sarili at tumalon sa ika-9 palapag ng isang gusali sa Malate, Manila sa naantalang ulat ng pulisya kanina.

Namatay noon din ang ginang na si Maria Petronila Larsen, habang hindi naman umabot nang buhay sa Manila Doctors Hospital si Rene Larsen, 55, kapwa Danish national at nanunuluyan sa ika-9 palapag ng Michelle Apartment sa 2030 A. Mabini St., Malate, Manila.

Sa ulat na isinumite ni Det. Alonzo Layugan kay P/Sr. Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, 4:00 ng hapon, nang maganap ang nasabing insidente sa tinutuluyang apartment ng mag-asawa sa nasabing lugar.

Isang Jorlyn Caballero, maid ng mag-asawa ang nagbigay ng salaysay sa pulisya, na bago natagpuang patay ang mag-asawa ay inutusan pa siya ng among lalaki na bumili ng softdrinks sa labas ng gusali.

Nang magbalik, nabalitaan na lamang niya na patay na ang kanyang among lalaki, matapos umanong tumalon sa gusali kaya agad siyang nagtungo sa 9th floor, pero hindi nito nabuksan ang silid ng among babae, kaya bumaba siya para sabihan ang caretaker ng building.

Nang dinistrungka ang pinto, tumambad sa kanila ang patay na ring ginang na tadtad ng tama ng bala ng baril maging ang alagang aso ng mag-asawa na si “Uzi” na may tama naman ng bala ng baril sa ulo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, hinalang binaril muna ng lalaking biktima ang kanyang misis bago nagpakamatay.

Napag-alaman pa sa kuwento ni Caballero, bandang alas 11:00 ng umaga, narinig pa niya ang among lalaki na nagmumura ng “Fuck you” Fuck You” Fuck You!”

Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang awtoridad hinggil sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply