Misis binoga ni mister, saka nagbaril sa sarili

HALOS isang oras matapos patayin ang misis ay natagpuan namang patay sa loob ng kanyang sasakyan ang isang mister matapos magbaril sa sarili sa Batangas, kahapon sa mismong Araw ng mga Puso.

Isang tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa kanang bahagi ng ulo ang ikinamatay ni Joel Abalos Labandilla, 33, ng Barangay Sto. Niño, San Pascual, Bauan, Batangas.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nadiskubre ang bangkay ng biktima alas 5:30 kahapon sa loob ng Batangas Bay Terminal Incorporated (BBTI) sa Barangay San Miguel, Bauan.

Ayon kay Police Senior Liezel Dimaandal, spokesperson ng Batangas Police Office (BPO), bago ang pagpapatiwakal ni Joel ay binaril nito ang kanyang may bahay na si Ria Labandilla, 32.

Naganap ang pamamaril sa hindi pa malamang dahilan alas 4:50 kahapon sa loob mismo ng kanilang bahay.

Ayon sa mga nakasaksi, matapos ang pamamaril ay tumakas si Joel dala ang kanyang Starex van (WFC 542) patungo sa hindi malamang direksyon.

Sa ikinasang pagtugis, natagpuan ng pulisya ang naturang van na nakaparada sa loob ng BBTI  at nang buksan ang sasakyan ay natagpuan si Joel na patay na.

Isa sa sinisilip na motibo sa krimen ay love triangle.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply