Misis huling nakikipag-sex, mister inutas ng kalaguyo

KAMATAYAN ang sinapit ng isang mister matapos barilin ng kalaguyo ng kanyang misis makaraang mahuli ang dalawa sa aktong pagtatalik sa Negros occidental sa ulat ng pulisya kanina.

Base sa naantalang ulat sa Camp Crame, nabaril at napatay ang biktima na si Alejandre Alemani, 54, ng Brgy. Buenavista, Murcia matapos madiskubre ang pagtataksil ng kanyang misis.

Sa imbestigasyon, nadiskubre ng mister ang pagtataksil ng asawa na si Elma noong gabi ng Valentine’s day.

Napag-alaman na umalis sa kanilang bahay ang misis at lingid sa kaalaman nito ay sinundan siya ng mister at nakitang pumasok sa bahay ng suspek na si Roger dela Paz kung kaya nagduda at sinilip ang dalawa.

Laking gulat niya nang makita ang aktong pagtatalik ng dalawa kaya dali-daling umuwi ng  kanilang bahay upang doon abangan ang pagbalik ng misis at saka binugbog.

Matapos nito, kanya namang pinuntahan ang bahay ni Dela Paz upang komprontahin subalit t isang putok ang umalingawgaw hanggang sa makitang nakatimbuwang na ang biktima.

Hinihinala ng pulsiya na ang kalaguyo ng misis ng biktima ang may kagagawan sa krimen.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply