Misis na pumatay ng mister sa SM may ‘sayad’

POSIBLENG may sakit sa pag–iisip ang ginang na bumaril at nakapatay sa kanyang asawa sa isang mall sa Quezon City noong September 2011 base na rin sa record ng National Center for Mental Health (NCMH) para sa court trial.

Nabatid sa 5 pahinang medical report sa Quezon City Regional Trial Court Branch 219, ni Edison Galindez hepe ng forensic psychiatry section ng NCMH, ang akusadong si Sheila Macapugay ay may malalang kakulangan sa pag- iisip batay sa medical at psychological tests na isinagawa sa kanya.

Idinagdag pa sa ulat na ang nasabing sakit sa pag–iisip ayon sa medical report ay bunga ng kakulangan at kawalan ng interes sa mga aktibidades sa araw na iyon, nawalan lakas, hindi makatulog (insomnia), walang ganang kumain, nangangayayat, araw–araw ang depresyon at nagtatangkang magpakamatay.

Napag–alaman pa sa medical report na nagkaroon din ng sintomas ang akusado na nawala sa sarili at nagsasalitang mag–isa.

”With the concomitant psychotic features characterized by hallucination, delusions, disorganized behavior or speech, the patient’s impulse control, frustration and judgment may be affected,” ayon pa sa NCMH.

Sinabi ni Galindez, base sa findings ng medical officers na sina Diana Joy Dizon, Marlo Oavenga at Zarah Espinoza, inirekomenda nila na si Macapugay ay patuloy ang paggamot sa kanya bilang outpatient confinement.

Magugunitang binaril at napatay ni Macapugay ang kanyang mister na si Abel sa SM North, EDSA matapos iwanan at sumama sa ibang babae nitong nakalipas na Setyembre 2012.

Napatay din sa nasabing insidente ang security guard ng mall na si Ricardo Inamac nang barilin ni Macapugay makaraang umaawat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply