Misis nina Donaire at Vasquez nag-upakan

INUPAKAN ni Rachel Donaire, misis ni champ Nonito Donaire, ang asawa naman ni Wilfredo Vasquez matapos asarin sa Twitter ang tinaguriang ‘The Filipino Flash’.

Ayon kay Rachel, nagtataka siya kung bakit ang isang babae tulad ni Mrs. Vasquez ay nagpoposte ng mga mapanirang salita sa social networking sites laban sa kanyang mister.

Sinabi pa ni Mrs. Donaire, parang ginugulo lamang ni Mrs. Vasquez ang kanyang asawa para hindi makapag-concentrate sa laban nina Nonito at Wilfredo sa Linggo.

Nagpasya si Rachel na sagutin ang mga pasaring ni Mrs. Vasquez dahil ayaw itong patulan ni Nonito.

Tuluyang magsasagupa ang dalawang boksingero sa San Antonio, TX sa Alamo Dome ngayong weekend.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply