Misis tinarakan sa tiyan ng selosong mister

KASALUKUYANG inoobserbahan ng mga manggagamot ang isang ginang na sinaksak sa tiyan ng kanyang selosong mister sa pag-aakalang may ibang lalaki o kabit sa lalawigan ng Aklan.

Kasong frustrated parricide ang kakaharapin ng suspek na si Jimmy Prado, 34, residente ng Barangay Mantiguib, Makato, Aklan ng nabanggit na lalawigan sakaling hindi mamatay ang kanyang asawa.

Kinilala naman ang biktima na si Babylyn Prado, isang labandera, na ngayon ay nasa Aklan Provincial Hospital dahil sa tinamong  saksak sa kanyang tiyan.

Sa imbestigasyon ng Makato PNP, lumalabas na nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa dahil gusto nang makipaghiwalay ng biktima sa suspek dahil sa pagiging sobrang seloso nito.

Bukod pa dito, lasinggero at iresponsableng ama rin umano ang suspek kaya nais nang makipagkalas ng biktima dito.

Nabatid na sa gitna umano ng kanilang pagtatalo, bumunot ng patalim ang suspek at tinarakan ang kanyang misis sa tiyan.

Sinasabing madaals na nag-aaway ang mag-asawa dahil dis-oras na ng gabi kung umuwi ang mister at lasing pa at madalas na nagwawala pa ito at sinisira ang kanilang mga gamit sa bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply