Mister nag-ala cowboy, patay sa nilarong baril

DAHIL sa kalasingan isang mister na naglaro ng kanyang baril na parang cowboy ang binawian ng buhay nang bigla itong pumutok at tumama sa kanyang ulo sa lalawigan ng La Union, sa ulat ng pulisya ngayon.

Namatay habang ginagamot sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa lungsod ng San Fernando, La Union, bandang alas-6:20 ng umaga ang biktima na si Renato Alcantara, 32 anyos, residente ng Barangay Balidbid, bayan ng Salcedo, Ilocos Sur

Sa pagsisiyasat ng San Fernando PNP aksidenteng naputukan ng kanyang sariling baril ang biktima, ayon sa misis nitong si Rowena.

Base sa salaysay ng ginang, sinabi nito na habang nasa loob ng kanilang bahay kagabi (Pebrero 9) ay nilagyan umano ng kanyang asawa ng dalawang bala ang cal. .22 na revolver nito at saka kinalabit ang gatilyo ng ilang beses ngunit hindi ito pumutok.

Nang pinaikot ng mister sa kanyang daliri ang baril ay bigla umano itong pumutok at tinamaan ng bala ang ulo nito.

Agad namang isinugod sa naturang ospital ang biktima ngunit nabigo ang doktor na iligtas ito sa kamatayan.

Nabatid na lasing umano ang naturang mister nang mangyari ang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply