Mister utas sa masamang timpla ng kape

PATAY ang isang mister matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang bumili ng kape sa misis ng una makaraan ang pagtatalo sa masamang pagkakatimpla nito sa Navotas kagabi, Pebrero 13.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Radolfo Danao, 46 ng Dalag St., North Bay Boulevard South,  habang inilarawan lang ang suspek na semi-kalbo ang gupit.

Sa pahayag ng asawa ng biktima na si Evelyn, alas-9 ng gabi, bumili ng kape ang suspek sa nasabing lugar at habang iniinom ay nakipagkuwentuhan sa biktima.

Makalipas ang ilang sandali ay biglang inihagis ng suspek ang kape at galit na tumawag ng tricycle na hindi na nakuha ang plaka at umalis.

Hindi nagtagal ay bumalik ang tricycle at walang salitang pinagbabaril ng suspek ang biktima bago muling sumakay at tumakas.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply