MMDA sa barangays: Bumuo ng batas vs paggamit ng plastic

UMAPELA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lahat ng mga barangay council na magpasa ng batas para sa mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng plastic bags at styrofoam.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, kapag ang mga plastic ay bumara sa daluyan ng tubig tulad ng kanal at estero ay magreresulta sa mga pagbaha sa Metro Manila.

Kalimitan na gumagamit ng mga styro at plastic products ang mga food chain at ang mga pribadong establisimiyento.

Nakatakda ring pulungin ni Tolentino ang mga Metro Manila mayors para isulong ang naturang hakbang upang matapos na ang matagal nang problema ng Kamaynilaan sa baha.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply