Moralidad, panlaban sa HIV-AIDS

ANG pagpapataas sa antas ng moralidad ng mamamayan ang pinakamabisang panlaban sa lumalaganap na HIV-AIDS sa bansa.

Ayon kay Sister Pilar Versoza, ng ProLife Philippines, hindi pagsusulong ng artificial contraceptive mentality ang tugon sa pagsugpo sa HIV at AIDS sa bansa.

Payo ni Versoza, ang “education campaign“ sa seksuwalidad at dignidad ng tao ang dapat na isaalangalang ng gobyerno para labanan ang paglaganap ng nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Sinabi ni Versoza na dapat ituro ng gobyerno sa sambayanan ang tamang edukasyon at tugunan ang morality crisis at iwasan ang artificial contraceptive mentality.

“Dapat matindi ang education campaign abstinence program, ipaliwanag sa mga tao kung ano ang sexuality, ‘yung kahalagahan ng relationship sa dignidad ng isang tao,“ sinabi ni Versoza sa panayam ng Radyo Veritas.

Ipinaliwanag din ni Verzosa na noong unang panahon, sa mga overseas Filipino worker lamang mataas ang bilang ng mga may HIVAIDS, pero ngayon, laganap na rin ito sa sektor ng prostitusyon at maging sa homosexual community.

Ito ay dahil sa hindi, aniya, masugpo na distribusyon ng pills at condom ng gobyerno at ng mga pharmaceutical company.

“Useless program ‘yan ng gobyerno, bakit hindi natin i-emphasize pa rin ang sinasabi ng Simbahang Katoliko na education program natin na education prevention at ang paghubog sa karakter at moralidad,” ani Versoza.

Una nang naitala ng Department of Health (DoH) na 37 porsiyento ang itinaas ng bilang ng mga biktima ng HIV-AIDS sa bansa noong 2011 o may kabuuang bilang na 2,349, kumpara sa 1,591 kaso noong 2010.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply