Mosyon ng depensa vs pagpiprisinta ng ebidensiya ibinasura

IBINASURA ng Senate Impeachment Court ang mosyon ng Defense panel para harangin ang paglalahad ng mga ebidensiya ng prosekusyon.

Gayunman, pinaiiwas ng impeachment court ang prosekusyon na iwasan ang pagtalakay at paglalahad ng mga ebidensya na mayroong pending issue sa Korte Suprema.

Bukod dito, tuloy din ang pagpapatawag sa mga opisyal ng Bank of the Philippine Island at Philippine Savings Bank upang iprisinta sa paglilitis ang mga umano’y bank accounts sa kanila ni Chief Justice Renato Corona.

Ito ay matapos na ibasura ang mosyon para harangin ang subpoena na ipinalabas ng impeachment court para ipatawag ang mga opisyal ng dalawang nasabing bangko at isumite ang mga hinihinging dokumento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply