Mosyon sa legal research ni Mrs. Lapid, pinagbigyan

KINATIGAN ng United States District Court sa Las Vegas, Nevada ang inihaing mosyon ng misis ni Sen. Lito Lapid na si Marisa na mabigyan ng dagdag na oras para magsagawa ng legal research kaugnay sa kinakaharap na kasong dollar smuggling.

Dahil dito, muling itinakda ni Magistrate Judge Peggy Leen ang preliminary hearing sa Abril 9.

Naunang ipinahayag ni Mrs. Lapid na ang nakuhang $50,000 sa kaniya ay para sa bayarin sa bahay taliwas sa naging pahayag ni Sen. Lito Lapid na para sa pagpapagamot ng kaniyang misis.

Sa kasalukuyan, may suot na ankle monitoring braces si Ginang Lapid para mabantayan ng mga awtoridad kung saan-saan ito nagpupunta.

Umaasa naman ang pamilya Lapid na makauuwi na si Marissa sa bansa matapos itong makahingi ng tawad sa U.S. authorities dahil sa kaniyang pagkakamali. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply