Motorcycle lane ng MMDA inulan ng batikos

BAGO pa man ang pagsisimula ng implementasyon ng “motorcycle lane” sa EDSA, bukas (Pebrero 14) sa Araw ng mga Puso, inuulan na ng sangkatutak ng batikos ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) buhat sa mga motorcycle rider partikular ang kawalan umano ng konsultasyon ng ahensya bago ito ipatupad.

Sa isang forum thread ng Motorcycle Philippines, ang pinakamalaking grupo ng mga motorcycle rider sa bansa, sinabi ng mga miyembrong rider na mas magiging mapanganib ang motorcycle lane sa mga nakamotorsiklo dahil magsisiksikan ang mga motor sa isang lane na kasama pa ang ibang pribadong sasakyan.

Marami sa mga naka-kotse na driver ay sinasadyang pinahan ang mga naka-motor dahil sa mas malaki ang dalang behikulo.

Anila, maganda sana ang naturang programa kung magiging eksklusibo sa mga motorcycle riders ang ilalaan na lane.

“Ayoko sa MC lane  limited ang galaw ng mga ito, hirap magmaniobra pag pinipinahan ng mga katabi mong 4/6/8/10 wheelers. Ok ang MC lane kung exclusive ito sa motor lang.” ito ang pahayag ng Thread sa www.motorcyclephilippines.com.

Sa katwiran naman ng blogger na si Edfertor, “Ayaw: Hindi angkop ang EDSA magkaroon ng MC lane dahil maraming kanto at intersections na daraanan… kasama pa ang mga walang disiplinang PUV drivers. At inaalis nila kagaad ang motorsiklo makaiwas kung may aberya dahil limitado lamang sa isang lane.”

Marami sa mga motorcycle rider ang ikinatwiran na kaya nilikha ang motorsiklo upang makaiwas sa matinding pagbubuhol ng trapiko na pangunahing problema sa EDSA. Ito sana ang dapat unang resolbahin ng MMDA bago ang motorcycle lane, ayon pa sa mga tutol.

Tinuligsa naman ng Motorcycle Philippines (MP) member na si “Click_me” ang MMDA sa pagiging diktador na umano sa Metro Manila na gagawin ang agad ang maisipan kahit na batas. “They want to confine riders thinking it will only lessen the accidents..in fact, confining riders only removes the basic safety feature of a motorcycle…It’s ability to maneuver out of danger.”

Sa kabila nito, itutuloy bukas, Martes ng MMDA ang implementasyon nito na uumpisahan sa isang seremonya sa tapat ng MMDA headquarters sa Makati City.

Ngunit ipinaliwanag ni Chairman Francis Tolentino na “dry run” lamang muna ang kanilang ipatutupad sa loob ng isang linggo at maninita pa lamang ang mga traffic enforcer sa mga motorcycle rider at hindi pa maniniket. Gayunman, kailangang sumailalim sa 15-minutong “road safety seminar” ang masisita.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply