Motorcycle lane sa EDSA tagumpay – MMDA

KINOKONSIDERA ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tagumpay ang paglalagay nila ng motorcycle lane sa EDSA matapos wala isa mang naitalang aksidente nito sa loob ng isang linggo.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, nagsimulang tugunan ng mahusay ng mga nagmomotorsiklo ang kanilang programa mula noong araw ng Martes kaya umaasa sila na magtutuloy-tuloy na ito.

Mula nang simulan ang dry run sa paggamit ng blue lane sa 23.8 kilometrong haba ng EDSA, umabot na sa 3,344 ang nadakip ng traffic enforcers na pawang isinailalim muna sa 15-minutong seminar.

Pinakamarami aniyang nahuli noong araw ng Lunes at unti-unti nang bumaba ang bilang ng mga lumalabag, patunay na tumutugon na ang mga nagmomotorsiklo sa kanilang programa.

Simula aniya sa Lunes ay mag-iisyu na ng traffic violation receipt ang

traffic enforcers sa mga lalabag sa paggamit ng motorcycle lane dahil tapos na ang isang linggong dru run sa naturnag programa.

Sinabi ni Tolentino na hindi lamang ang mga lalabag sa paggamit ng blue lanes ang kanilang huhulihin kundi maging ang mga nagmomotorsiklo nang walang suot na helmet at tamang kasuotan pati na ang gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho.

Hindi rin pahihintulutan ng MMDA ang pagsasakay ng lalagpas sa dalawa sa isang motorsiklo at kinakailangan na laging nakabukas ang kanilang headlights kahit matindi ang sikat ng araw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply