Motorista pinaiiwas sa Edsa ng MMDA sa Sabado, Linggo

NAGLABAS na ng abiso ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na iwasan munang daanan ang kahabaan ng Edsa sa Sabado at Linggo (Pebrero 25-26) bunga ng magaganap na aktibidad sa pagdiriwang ng People Power Revolution.

Kaninang madaling araw, isinara na mula alas-3:00 hanggang alas-5:00 ng madaling araw ang ika-apat at ika-limang linya ng northbound lane ng Edsa malapit sa People Power Monument dahil sa isinasagawang pagsasanay sa mga aktibidad.

Bukas (Biyernes) ay isasara naman mula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-3:00 ng hapon ang ika-apat at ika-limang linya sa northbound lane ng Edsa mula Corinthian Gate hanggang Aguinaldo Gate dahil sa pagkukumpuni ng entablado.

Tuluyan ding isasara mula alas-4:00 ng madaling araw hanggang alas-11:00 ng umaga ang White Plains Avenue westbound mula Temple Drive hanggang Edsa at mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-11:00 ng umaga ay sarado naman ang Ortigas flyover northbound at service road hanggang Santolan northbound.

Kabilang naman sa maaaring daanan bilang alternatibong daan, ay ang Ortigas flyover patungong San Juan, Ortigas eastbound hanggang C-5, Shaw Boulevard eastbound hanggang C-5, JP Rizal hanggang Makati, Mandaluyong Bridge, Edsa Kalayaan hanggang C-5 at Shaw at Julio Vargas hanggang C-5.

Bukod sa inaasahang pagsasanay sa mga gagawing aktibidad, isasabay na rin ang gagawing pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang mga sirang lansangan sa Edsa kaya’t inaasahan na ang higit na mabigat na daloy ng trapiko sa  Sabado at Linggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply