MPD Tourist police nanampal ng binatilyo

AGAD na iniutos ni Manila Mayor Alfredo Lim  kay Social Welfare – Manila chief Jay dela Fuente na ibigay ang lahat ng suporta sa 17-anyos na binatilyo na sinampal ng isang tourist police ng Manila Police District (MPD) ng dalawang ulit habang nasa impluwensiya ng alak.

Ang aksiyon ay bunsod na rin sa kuha mula sa CCTV footage na kita-kita si PO1 Donald Allan Martin na sinampal ang biktimang itinago sa pangalang Jorge, na dumulog sa DSWD kasama ang kanilang barangay chairman na si Timmy Esquillo.

Kasabay nito, pinagpapaliwanag din ni MPD Director Chief Supt. Alex Gutierrez si Martin sa insidente.

Lumilitaw na nangyari ang insidente noong Pebrero 2, dakong alas 4 ng madaling-araw sa Fidel Street, Gagalangin, Tondo.

Nabatid na naglilinis si Jorge sa kanilang bahay nang dumating si Martin at walang sabi-sabing sinampal ang una.

Nagulat na lamang si Jorge nang saktan siya ng  pulis habang nagpapaliwanag na nililinis lamang niya ang ginamit sa kanilang party.

Muli siyang sinampal ni Martin hanggang sa may dumaang sasakyan na sumaklolo sa biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply