MPD: Walang foul play sa pagpapakamatay ni Gong

WALANG naganap na foul play sa pagpapakamaty ng Chinese national na si Gong Shu Yang na nagbaril sa sarili matapos na maaresto dahil sa pagsagasa at pagpatay sa kanyang girlfriend.

Ito ang iginiit ni Manila Police District-Homicide Section Chief P/Sr.Inspector Joey de Ocampo.

Ginawa ni Ocampo ang pahayag matapos na magkaroon ng haka-haka na may foul play kaugnay sa pagpapatiwakal ni Gong sa loob ng mobile car ng Homicide Section habang ito ay nakatakda sanang isailalim sa inquest proceedings noong Sabado ng gabi.

Paliwanag pa ng opisyal na hindi nakitaan ng panlalaban si Gong kaya naman ipinosas ito ng paharap.

Matatandaan na si Gong ay una nang naaresto noong Huwebes ng gabi dahil sa pananagasa at pananaksak sa kanyang Chinese national girlfriend na si  Zhao Chun Lan noong Enero 14 sa harap ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Nang isasailalim na ito sa inquest proceedings at habang binabagtas ang kahabaan ng Taft Avenue ay inagaw nito ang baril ni SPO1 Charles John Duran at agad na binaril ang kanyang sarili.

Kasama si Duran sina SPO1 Alonzo Layugan at PO2 Jayson Ibasco na isinailalimdin sa paraffin test at sa resulta ng eksaminasyon ay naging negatibo naman ang kinalabasan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply