MRT balik na sa normal na operasyon

NAIBALIK na sa full operation ng Metro Rail Transit (MRT) dakong pasado alas-9:00 ng umaga.

Mula sa North EDSA hanggang sa Taft Avenue station ng MRT ay inabiso ng pangasiwaan na full operation na ang ang tren matapos kumpunihin ang nakitang crack sa isa sa bahagi ng riles sa Guadalupe station.

Halos nagsiksikan ang mga commuters nang ideklaara ng MRT management na wala nang peligro at puwede na itong bumiyahe.

Nauna rito, na-stranded ang libu-libong commuters nang ma-detect ang crack sa isang bahagi ng riles ng tren. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply