Multiple murder sa Aklan massacre suspect

KASONG multiple murder at parricide ang isasampa bukas sa suspek na pumatay sa kanyang kamag-anak sa Barangay Bulwang, Numancia, Aklan.

Ito ay makaraang makumpleto na ang kinakailangang papeles sa pagsasampa ng kaso laban kay Errol Roldan, 27 sa Aklan Regional Trial Court.

Matatandaang limang kamag-anak ni Roldan ang kanyang napatay matapos mag-amok sa pamamagitan ng pagtaga gamit ang palakol at itak.

Ang mga biktima ay ang lolo at lola ng suspek na sina Luciano Rivas, 92, at Anunsacion Rivas, 94, anak na si Felicidad at ang mag-inang Salvacion Rivas, 84, at anak na si Baltazar Rivas, 52, habang nasa kritikal na kondisyon naman si Rosa Rivas.

Lumalabas na nagkasakit sa pag-iisip ang suspek matapos iwan ng kanyang misis at mga anak.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply