Na-comatose na boksingero pumanaw na

NAMATAY na ang Ilonggo boxer na si Karlo Maquinto na na-comatose matapos ang laban nito kay Mark Josph Costa noong Sabado sa Caloocan City.

Dakong alas-!0:15 ng umaga kanina nang tuluyang mamatay ang boksingero sa Far Eastern University Hospital sa Quezon City.

Magugunitang bigla na lamang natumba at nawalan ng malay si Maquinto matapos ideklara ang resulta ng kanilang laban ni Costa.

Nang ideklarang draw ang laban nila ng referee ay biglang bumagsak si Maquinto na agad na isinugod sa ospital kung saan halos isang linggo siyang na-comatose bago tuluyang nalagutan ng hininga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply