Na-wow mali sa pagpasa sa mga text message

BIGYAN natin ng daan na mailathala itong isang text message na galing umano kay Pasay City Mayor Antonino Calixto na na-wrong send niya sa ibang number ng celfone.

Kung totoo ang text message na ito ni Mayor Calixto ay dapat na ipaliwanag niya kung bakit ganun ang kanyang mga sinabi sa  mga opisyal ng barangay ng Pasay City. Lumalabas kasi na parang nilalapastangan na niya ang pagkatao ng lahat ng mga opisyal ng barangay ng Pasay City.

Eto basahin natin ang na-“Wow mali” na mga text message umano ni Mayor Antonino  Calixto sa ‘aso’ niyang  si  Boyet del Rosario.

“Boyet, si Mayor Calixto ito. Ibigay mo ang collection natin kay Bong Serano. Si Bong na ang bahala na mamigay ng pera. Dapat maibigay na ang pera sa mga kapitan pati kagawad. Pera-pera lang naman yun.”

Hayan ang kabuuang na-Wow Mali na text message sana ni Mayor Calixto sa ‘aso’ nitong si Boyet del Rosario.

Nagkamali ng text si Mayor Calixto sa pag-aakala niyang sa number ni Boyet niya ito nai-send.

Hindi kaya ito na iyong sinasabing ‘karma’ sa kanyang  mga ginagawang alingasngas sa Pasay City?

Kung totoo man ito ay dapat na ipaliwanag ni Calixto ito sa kanyang mga barangay official.

LOTTENG NI MOTORS SA QC PADER

Lalong naging Big Time si LITO MOTORS simula nang maupo ang kanyang ipinagmamalaking bagong director ng QCPD na si Supt. Mario dela Vega.

Buong Kyusi na kasi ang lawak ng operasyon ng lotteng ni LITO MOTORS. Binabalak ding pasukin ng lotteng ni MOTORS  ang mga lugar gaya ng Antipolo at Marikina.

Isang pulis ng QCPD na nagngangalang PO2 Jing Asinas ang protector daw ng pasugalan ni MOTORS.
Protector…..

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply