Naaagnas na bangkay lumutang sa dagat

NAAAGNAS na ang bangkay ng isang lalaki na nagpalutang-lutang sa karagatang sakop ng Navotas kaninang alas-siyete ng umaga.

Nakilala sa pamamgitan ng kanyang SSS identification card ang biktima na si Estanislao A. Quiamco, 46, nakatira sa Teresa Height Subdivision, Novaliches, Quezon City.

Nabatid sa isinagawang imbestigasyon, na isang Wilson T. Tamayo ang nakakita sa nasabing bangkay habang ito ay naglalayag sa nasabing karagatan.

Tinalian ni Tamayo ang bangkay at saka ito dinala sa pangpang at saka ipinagbigay alam sa barangay hall ng Northbay Boulevard South na siyang nag-report sa pulisya.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply