Nadia pinagpa-public apology ni Annabelle

PUBLIC apology ang gusto ngayon ng kontrobersyal na talent manager na si Annabelle Rama mula sa kaalitang si Nadia Montenegro.

Bukod dito, nais din ng mommy ni Ruffa G. na aminin ni Nadia na walang katotohanan ang mga isinampa nitong patong-patong na kaso laban sa kanya (Tita A.), na ang pinakahuli ay attempted murder.

Ayon kay Tita A., hindi raw pang-killer ang kanyang kagandahan kaya nais niyang bawiin ito ni Nadia.

Igiiit din nito na ang tanging paraan para maayos ang gusot sa pagitan nila ni Nadia ay ang ang pagso-sorry nito nang maayos.

Nanindigan din si Tita A. na hindi niya bibitawan ang mga anak ni Nadia, kahit na may kinakaharap na kasong child abuse, dahil hindi pa umano tapos ang tatlong taong kontrata ng mga ito sa kanya.

Mataray pang sinabi ni Tita A. na labis siyang nahihirapan na hanapan ng proyekto ang mga anak ni Nadia dahil hindi raw kagandahan ang mga ito. May Ganun!?

Magugunita na noong isang linggo, ay lumabas sa telebsiyon ang video kung saan makikitang nagwawala sa galit si Anabelle sa San Juan City Prosecutor’s Office.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply