Naghahari-harian sa Customs binira ni PNoy

NAGPAKITA ng matinding galit si Pangulong Benigno Aquino III sa mga naghari-harian at nagkakamal ng pera sa Bureau of Customs (BoC).

Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na huwag siyang subukan dahil may kalalagyan ang mga ayaw umayos na opisyal.

Sa katunayan ay pinaaayos na niya ang New Bilibid Prisons (NBP) para maging maluwag sa mga gustong magbakasyon sa nasabing pambansang kulungan.

Tinumbok ni Pangulong Aquino ang clerk ng Customs na nagmamay-ari ng isang Porsche at inireklamo sa pananakit at pagpapaputok ng baril sa dalawang estudyante na nakagitgitan sa daan.

Nauna nang napaulat na pagmamay-ari ni Customs clerk Paulino Elevado ang Porsche pero napag-alamang pag-aari ito ng kasamang negosyante na importer ng luxury vehicle.

Nagalit din ang Pangulong Aquino sa 20 container vans na tila naglahong parang -bula.

Sa kabilang dako, hinambalos naman nito ang isang importer na ipinagmamalaki pa na siya ang pinakamalaking rice at sugar smuggler.

Samantala, wala namang pahiwatig ang Pangulo na may sisibakin sa puwesto at inihayag ang kumpiyansa sa trabaho ni Commissioner Ruffy Biazon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply