Namatay na OFW sa Syria, fit to travel – DFA

IDINEKLARA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas bumiyahe ang overseas Filipino worker (OFW) na namatay sa Syria habang hinihintay ang eroplanong magbabalik sa kanya sa Pilipinas.

Sa natanggap na impormasyon ni DFA Undersecretary Esteban Conejos Jr. sa Philippine Honorary Consul sa Aleppo, walang nakitang senyales ang mga opisyal ng embahada sa kalagayan ng hindi kinilalang OFW bago pumanaw noong Pebrero 22 habang hinihintay ang eroplanong magbabalik sa biktima, kasama ang 11 OFW, sa Pilipinas.

Sinabi pa ni Conejos na simula nang dumating sa konsulado ng Aleppo ang biktima noong Pebrero 9, wala nakitang senyales na mayroon siyang malubhang sakit.

Batay sa medical certificate ng OFW na ibinigay ng Syrian employer nito, lumabas na ginagamot ang biktima dahil sa urinary tract infection at may sapat na lakas para bumiyahe.

Inaasikaso na rin ng DFA ang pagbabalik sa Pilipinas ng mga labi ng biktima, kasabay ng pakikipag-ugnayan sa mga malalapit na kamag-anak nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply