Nambabae si Hayden Kho kasi… Vicki Belo may iba ng lalaki?

UNTI-UNTI, nagiging kumplikado ang simpleng selsoan blues sa pagitan nina Vicki Belo at Hayden Kho. Pero dahil nasangkot si Nancy Castiglione, lumalabas na ito ang umaani ngayon ng atensyon. Did you know na dahil sa kontrobersya, interesado pala ang TV5 at inoperan nga si Nancy ng isang fat contract. Naturalmente, payag si Nancy na anytime susunggaban nga ang naturang offer.

Heto naman ang karugtong ng kuwento, magsasalita raw sa isang talkshow ng istasyon si Nancy who promised to tell all she knows about the brouhaha.

Ngayon pa lang, nagsisimula nang kumalat yung isyung si Vicki pala ang unang nagkaroon ng third party sa relasyon nila ni Hayden. It is said that Vicki is with a younger man na mas guwapo pa raw kay Hadyen at kasama nito sa US. Kaya pala di na niya isinama si Hayden.

So for his part, kung nagluluko nga si Hayden at true yung sa kanila ni Nancy Castiglione, talagang pinakawalan na siya ni Vicki Belo.

Teka, true ba yung nabalitaan naming nasa suicidal mood na naman ss Hayden. Na balak na naman nitong magpakamatay dahil nga unsiyami siya sa pag-ibig ng mayamang duktora?

O baka naman isa lang ito sa maraming drama sa buhay ni Hayden para makakuha siya ng simpatya.

By the way, dalawang tao ang sobrang ligaya dahil nga magulo ang mundo ng pag-ibig ngayon nina Vicki at Hayden. Kung di pa ninyo ma-get, talagang sobra’ng pagdiriwang ng magkapatid na Crystalle Belo at Quark Henares ngayon.

Obvious ba kung bakit?

***

Rocco Nacino: Bida sa epic ‘Lam-Ang’

SA launching ng unang pelikulang Lam-Ang ng Saridandan Films, Inc., pormal na inihayag na ang young actor na si Rocco Nacino ang gaganap ng title role.

Nag-audition si Rocco  at sa ilang aspirants, siya ang napili ng produksyon sa pangunguna ng direc- tor na si Ana Agabin.

“Hindi ko pinili si Rocco for the title role… The film chose him. He looks the part. May comic timing siya, simpatiko, maganda ang attitude and has the right presence. Mahusay siyang umarte at ma-galing sa improvisations. Pangatlo siya sa mga nag-audition pero bago pa matapos ang gabi, desidido na kaming nakita na namin si Lam-Ang kay Rocco…” pagmamalaki ng Ilokanang filmmaker.

Masayang-masaya si Rocco sa pagkakapili sa kanya. Sasabak siya sa fight scene training sa mga susunod na linggo. Magsisimula ang shooting ng pelikula bago mag-Holy Week.

“Ang unang problema sa pelikula ay ang schedule ko, kasi ongoing ang taping ko sa ‘The Good Daughter,’ afternoon soap opera ng GMA-7 (na siya ang leading man ni Kylie Padilla). Pero inayos ng GMA Artists ang aking taping schedule para umayon sa shooting schedule ng ‘Lam-Ang.’

“Sobra akong excited kasi napakaganda ng project. It’s a role of a lifetime. Pagbubutihin ko talaga para hindi ako mapahiya. Napakalaking proyekto nito at asahan ninyong ibibigay ko ang lahat para masabing karapat-dapat ako sa role,” dagdag ni Rocco.

Isang historical-fantasy ang ang Lam-Ang na halaw sa sikat na Ilokano epic na galing kay Pedro Bukaneg. Inilarawan nito ang Ilocos sa panahon ng mga Kastila. Sa pagsasanib-isip nina Vice Governor DV Savellano at Direk Agabin, nabuo ang konsepto ng pelikulang Lam-Ang na may layuning ipakita ang kultura ng kasaysayan.  Gagawing midyum ang pelikula sa pagpapahalaga sa nakaraan upang bigyang-pansin ang kasalukuyan lalo na ng mga kabataan.

Dahil 1600 ang setting, inaasahang ang costumes ni Rocco rito ay mapangahas. Payag ba siyang maging daring ang costume niya sa pelikula, kung saan ilalantad ang maganda niyang katawan?

“Hindi isyu sa akin ang costumes sa pelikula. Kahit mapangahas, basta naayon sa eksena, isusuot ko. Isa pa, matinong pelikula ang Lam-Ang kaya sigurado akong for General Patronage ito kahit nakabahag kami.

Makakasama ni Rocco sa pelikula ang mga award-winning actor sa indie cinema na sina Sharmaine Buencamino, Art Acuña at Alchris Gallura. Malaki rin ang papel ng child actor na si Nathaniel Britt at Kokoy delos Santos.

Mapaghamon ang papel nina Channel La Torre at Miguel Vasquez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply