Nambastos na naman ng matandang babae!: Pagkabanal ni Marianita pang camera lang

SABI na nga ba my BFFT Pete A., pang on-cam lang ang bait-baitan at pagkabanal ni Marianita Rivera. Yes, inatake na naman ng kanyang kasupladahan ang aning-aning na lukresya at nasulat ito sa pamamagitan ng isang blind item sa isang kilalang tabloid.

Ganito raw ang nangyaring eksena. Spotted si Marianita kasama ang boyfriend si Dingdong Dantes sa isang high-end condominium.

Naghahanap ng magandang parking ang lukring na aktresa, kaso mo occupied na pero nagpupumilit pa rin ito at nang hindi pagbigyan ng guard ay ibinaba raw ng actress ang salamin ng kotse saba’y sigaw at talak sa pobreng bantay.

Wala talagang urbanidad ang babaitang ito na kay pangit at burak ang pag-uugali. Naku! ‘Yung pobreng guard wala namang magawa sa pambabastos ng babaeng baliw. Mabuti na lang at humingi ng despensa itong si Dingdong kaya kahit papano ay lumuwag ang dibdib ng gwardya sa pananaray ng gurang na aktres.

Pero hindi pa riyan nagtatapos dahil nang lapitan naman si Marianita ng tagahangang matandang babae para magpakuha ng picture sa kanya, hindi man lang daw ito tiningnan ng lukresyang aktresa saba’y talikod at walk out sa lolang fan. Yes, trulili ang nasulat ni kaibigang Abe Paulite sa kanyang kolum na PAPAK (sa hot na hot na tabloid ng bansa na Remate) na kaya lumalaki ang ulo at patuloy sa kanyang pagmamaldita si Marianita ay dahil masyado siyang ini-spoil ng Kapuso network.

Lahat ng reklamo at sumbong sa kanila sa pangit na attitude ng walanghiyang artista nilang ito ay kanila lang dini-deadma! Sana huwag dumating ‘yung time na pagsisihan nila ang madalas na pagtatakip sa kasamaan ng kanilang alaga.

***

Ano ang inihanda ni Bossing Vic Sotto na sa sorpresa nito kina Jose at Wally sa Bulaga?

MALIBAN sa mas malalaking papremyong ipamimigay mamaya sa Forever Eat Bulaga episode ng ating mga Dabarkads para sa public service segment nilang Juan For All, All For Juan kung saan sakop rito ang Pambato ng Barangay (PNB), Pambato ng Videoke (PNV), Bayanihan of ‘D Pipol at ang sugod-bahay sa Barangay kung saan ang mga nanalong residente araw-araw rito ay parang nanalo na rin sa lotto. Siyempre nariyan din ang Pinoy Henyo sa edition nila ngayon na Junior at High Alumni na malapit na ang grand finals. Naku!

Sino kaya sa mga finalist students na ito ang magwawagi ng 300,000 cash at 500,000 naman para sa kani-kanilang mga school?

Pa-excite nang pa-excite rin ang EB Super Dance Bayanihan sa Sayawan at ang pinaka highlight mamaya sa Forever Eat Bulaga ay ang inihanda ni Bossing Vic Sotto para sa kanyang mga alagang sina Jose Manalo at Wally Bayola na may big concert sa March 2 sa Smart Araneta Colesium kung saan halos sold-out na ang tickets. Pero ano ba talaga ang sorpresang inihanda ni Bossing para sa dalawa? Aba’y para malaman ang sagot sabay-sabay nating panoorin ‘yan mamayang tanghali.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply