Nancy Castiglione baka mabiktima ng hidden camera ni Hayden?

USAP-USAPAN ngayon sa lahat ng sulok ng showbiz ang pag-aalburuto ni Hayden Kho. Para itong bata na nagmamaktol. Hindi lang napagbigyan ang alok niyang kasal kay Dra. Vicki Belo kung anu-ano na ang pinaggagawa.

Panay daw ang gimik nito ngayon nang hindi kasama ang girlfriend na si Dra. Belo. At sa kagigimik nito, don daw nito nasambot (Parang manok, hehehe!) si Nancy Castiglione, ang babaeng hindi man sumikat nalaos na.

Dahil sa maliit lang ang Metro Manila at kabisado na lahat ni Madam Vicki ang lugar ng mga pasyalan ng mga sosyal na tao kaya lahat ng galaw ni Hayden ay nalalaman ng una.

Ang tanong, hanggang saan ba nakarating ang gwapong papa ng sikat na beauty expert at si Nancy? Nasundan ba ito ng radar ni Ms. Belo o ng kanyang private detective kaya ura-urada ay ibinigay kaagad niya sa walang career na dalaga ang papa nya? Hehehe!

Pero may babala ang ilang experto, huh! pagkaingatan daw ni Ms. Castiglione ang kanyang sarili at baka mabiktima siya ng hidden camera ni Hayden. Hahaha!

Puwera biro ha, baka nga naman sa paglilibang ng huli e, muling sumagi sa isip nito ang kalokohan.

Pag ganyang may record na ang isang tao at may nangyari uli ng ganong kaparehong insidente (Hayden Kho scandal), aba’y ang dadamputin agad ng pulis ay ‘yung may mug shot na sa kanilang record. Hakhakhak!

Anyway, haka-haka na lamang ‘yan. Malay natin baka nagbago na nga si Mr. Kho, ang ex-doc at ex-bf ni Madam Belo.

***

ANYWAY, nandito ang side ni Hayden regarding the issue: “Before things go out of hand: Vicki and I are just having a misunderstanding. Don’t make conclusions. There’s NO infidelity issue here.”

“I’d like to appeal to everyone to please hold your judgement. There has been a misunderstanding and it’s gone out of proportion.”

“I feel that the public doesn’t have to get involved in this but since names have to be cleared and this issue involves the welfare of two innocent toddlers, I will have to speak out my piece, but at the right time. Thank you.” Twitter posts ng binata kahapon (Pebrero 10) pagkatapos na lumabas ang tweet ni Dra. Belo.

Humingi rin siya ng sorry kay Nancy na nadamay daw sa hindi pagkakaunawaan nila ng kanyang kasintahan.

“First off, I’d like to make it very clear that Vicki and I are not fighting because of Nancy.

“I have already apologized to Nancy for getting her name dragged into this minor bump in my relationship w/ Vicki.

***

Kathryn at Julia magpapaalam na

MAGGU-GOODBYE na ngayong Linggo (Pebrero 12) ang top-rating barkada show ng ABS-CBN na “Growing Up,” tampok ang huling pagsubok na haharapin ng barkada nang nagkaayos nang sina Ella (Kathryn Bernardo) at Tammy (Julia Montes).

Anong tulong ang maipaaabot nila sa mahal nilang guro na nakikipaglaban sa cancer na si Miss Ortega (Maricar Reyes)?

Samantala, tunghayan sa final episode ang kahihinatnan ng “Growing Up” love teams na ‘EllRick’ nina Ella at Patrick (Daniel Padilla); ‘JaMmy’ nina Jason (Diego Loyzada) at Tammy; ‘Casoy’ nina Cassie (Yen Santos) at Tikoy (Neil Coleta); at ‘Mocha-Vanilla Baby’ nina Britney (Kiray Celis) at Winston (EJ Jallorina).

Tutukan rin ang huling sorpresa ng programa dahil ipakikita rin ang pa-“grow up” nila matapos ang ilang taon-sino kila Ella, Tammy, Cassie, at Britney ang mabubuntis? Huwag palampasin ang huling ultimate bonding experience ng “Growing Up” barkada ngayong Linggo, pagkatapos ng “ASAP 2012,” sa ABS-CBN.
Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.growingup.tv o sundan ang @abscndotcom sa Twitter.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply