Nang-ambush sa Nueva Ecija mayor tiklo

NADAKIP na ng mga tauhan ng Philippine National Police ang isa sa mga suspek sa pananambang sa Nueva Ecijia mayor at kanyang bodyguard kasunod ng naganap na pag-ambush sa biktima kahapon.

Habang ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., patuloy pa ring inoobserbahan sa ospital sina Caranglan Mayor Restituto Abad at kanyang tauhan matapos tambangan ng riding-in-tandem suspek.

Kinilala ng opisyal ang suspek na si Jose Berlino, sinasabing nagsilbing lookout ng mga kasamahan.

Kahapon, alas 3:30 ng hapon nang isinagawa ang pananambang ng dalawang motorbike-riding suspek sa Brgy. Saranay, Guimba.

Si Mayor Abad ay nagtamo ng tama ng bala sa kili-kili at balikat habang ang aide-driver nito ay may tama sa ulo at leeg.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply