Napikon sa kulitan, tatay inutas ng anak

KULUNGAN ang binagsakan ng isang binata matapos tagain at pagsasaksakin ang kanyang sariling ama sa Sarangani, sa ulat ng pulisya ngayon.

Ipinagharap na ng kasong parricide ang suspek na si Mario Narbaysa, ng Pangyan, Glan, nabanggit na lalawigan.

Dead on the spot naman ang biktimang si Valentino, 44, magsasaka at residente rin ng nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat, natagpuang patay na ang biktima sanhi ng maraming saksak sa katawan at mukha.

Una rito ayon kay P/Insp. Jaime Tabucon, hepe ng Glan Police Station, magkasama sa inuman ang mag-ama matapos tumulong sa isang bayanihan ng mga magkakapitbahay kung saan nagsimula ang kanilang pagtatalo.

Nabatid na nagkabiruan pa ang mag-ama hanggang sa mapikon ang suspek at pinatay ang kanyang tatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply