Nasibak na ang hepe ng PNP ng Castillejos, Zambales

PINANGATAWANAN ni Zambales PNP Police Office head Sr. Superintendent Francisco DB Santiago, Jr. ang pagsibak sa hepe ng Castillejos PNP na sunod-sunod ang kapalpakan sa naturang bayan.

Una na nating hiniling ito dahil hindi magkaroon ng totohanang imbestigasyon sa pagkamatay ni Gaudencio V. Trilles, 68, na natagpuang inaagnas na noong Enero 2 ng taong ito sa isang bakanteng lote sa Brgy. Balaybay matapos mawala ng pitong araw.

Wala pang 72 oras ay isa na namang bangkay ang natagpuan sa binaban-tayang bahay sa Brgy. rin ng Balaybay, si Rolando Frilles.

Ang deklarasyon agad ni Chief Inspector Oriano Mina ay sakit ang ikinamatay ng biktima.

Ito Ang Totoo: ang batayan ng deklarasyon ni Mina ay ang sagot ng batang anak ni Trilles na may diperensiya sa pag-iisip.

Tanungin ba naman ang bata na: “may sakit ba sa puso ang tatay mo?” e ‘di sinagot ng sinto-sinto ng “opo,” at bingo! tapos ang imbestigasyon ng bobo at tamad na imbestigador, na pinanindigan naman ni Mina.

Hindi na naghanap pa ng ibang source ng impormasyon si Mina, tulad halimbawa ang pamangkin ng biktima na pinagbilinan ng matanda na kung may mangyayari sa kanyang masama ay ang kapitan ng barangay at dalawang kagawad nito ang malamang may kinalaman dito.

Ito’y nag-ugat sa pambababoy ng mga barangay official ng Balaybay sa Pantawid Pamilya Program ni Pangulong Noynoy Aquino kung saan naging benepisyaryo si Trilles.

Ilang buwang hindi binayaran si Trilles, kesehodang dumating at dumaan ang Pasko, dahil ayaw pumayag nito na isang libong piso na lang ang ibayad sa pinagtrabahuhan nito sa ilalim ng programa.

Ang ikinagalit pa lalo ng mga ilusyunadong opisyal ng barangay ay nagsampa si Trilles ng reklamo sa DILG laban sa mga ito.

Ngayon naman siguro, sa ilalim ng bagong hepe ng Castillejos PNP, si Inspector Javier, magkakaroon na ng totohanang imbestigayon ang pagkamatay ni Trilles.

Hinihintay pa rin naman natin ang panig ng Dept. of Social Welfare & Development kung aaksyon ba ito sa pambababoy sa progra-ma ni PNoy para sa mahihirap sa Castillejos, Zambales.

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga reklamo, puna o puri, basta’t para sa kabutihan, ipadala sa cp no. 09994001162 o sa Facebook http://www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate/143876209055760.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply