NBA: Kings pinayuko ni Wade

PUMUTOK ng 30 puntos, sampung assist at apat na rebound si Miami Heat star player Dwyane Wade upang paluhurin ang Sacramento Kings, 120-108 sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

Nag-ambag din sina Mario Chalmers at Chris Bosh ng tig-20 points upang itala ng Miami ang pang-pitong sunod na panalo at manatiling nasa unahan ng Eastern Conference na may 26-7 win-loss slate.

Gumawa din si LeBron James ng 18 puntos, walong assist at apat na board, habang 12 ang tinikada ni Heat bench player Norris Cole.

Kikilatisin ng Heat ang tikas ni Asian sensation Jeremy Lin ng New York Knicks sa susunod na laban.

Tumira si Wade ng 11 for 16, at sa 11th straight game nito ay nagtala ng 50 percent.

Si Isiah Thomas naman ang nag-top score sa Kings na may tinalang 24 puntos, limang assist at tatlong rebound habang sinegundahan siya ni Marcus Thornton na nagsalpak ng 23 points.

Sa ibang NBA resulta, nanalo ang Indiana Pacers sa overtime kontra New Orleans Hornets, 117-108 habang gabuhok na nanaig ang Cleveland Cavaliers sa Detroit Pistons, 101-100.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply