NBI iimbestigahan ang pagpapakamatay ng pulis na suspek sa Maguindanao massacre

IIMBESTIGAHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpapakamatay ng pulis na isa sa mga suspek sa Maguindanao massacre.

Ito ang napag-alaman sa isang opisyal ng NBI, makaraang iutos ng Department of Justice (DOJ) Undersecretary Francisco Baraan upang matukoy ng NBI kung bakit nagpakamatay si PO2 Hernanie Decipulo.

Sa report ng NBI, nitong Lunes ng hapon ay tumalon mula sa ika-apat na palapag sa Quezon City Jail Annex si PO2 Decipulo sa loob ng bakuran ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Dahil dito,  nais  matukoy ng NBI kung may foul play sa nasabing insidente.

“We don’t know if he really jumped or there is a foul play,” ayon kay Undersecretary Baraan.

Gayunman, pinaliwanag din nito na maaaring simpleng police matter lang ang insidente ngunit  kailangang isailalim sa malalimang imbestigasyon dahil sa naniniwala naman sila na hindi ordinaryong pangyayari ang pagpapakamatay ni PO2 Decipulo.

Napag-alaman na si PO2 Desipulo ay nasa dalawang taon nang nakakulong sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na sinasabing humarang sa mga sasakyan ng biktima ng Maguindanao massacre.

Samantala, nanawagan naman si Atty. Harry Roque, abogado ng ilang biktima ng masaker na pagkakataon na nila na isiwalat ang kanilang nalalaman.

Si PO2 Desipulo ay ililibing alinsunod sa tradisyon ng relihiyong Islam.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply