NBI pasok sa imbestigasyon vs SBMA administrator

KASAMA na sa mag-iimbestiga ang National Bureau of Investigation sa naganap na misrepresentasyon sa Subic Bay Metropolitan Authority (SMBA) at ang kalituhan kaugnay sa kung sino ang talagang namumumo sa freeport zone sa Zambales.

Binigyang diin ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. na hindi kailanman itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III ang isang nagngangalang Mike Macapagal para pamunuan ang SBMA, na hanggang sa kasalukuyan ay nasa ilalim pa rin ng pangangasiwa ni administrator Roberto Garcia.

“Due to the confusion caused in SBMA by the statements of Mr. Macapagal and his representatives, I have directed the National Bureau of Investigation to conduct an investigation into the matter and prepare the filing of appropriate charges,” ayon kay Ochoa.

Tiniyak ni Ochoa na itinalaga ni Pangulong Aquino si Garcia noong Nobyembre  21, 2011 at hindi kailanman pinalitan ni Macapagal sa pwesto.

Noong nakaraang Lunes, Pebrero 20 ay nanumpa sa harapan ni Pangulong Aquino si Garcia.

“Mr. Macapagal has not been appointed by the President as SBMA administrator. Neither has our office prepared or released any appointment papers to that effect. He has never been considered for the post,” ayon sa opisyal.

Ochoa said Macapagal supposedly presented to the members of the media his appointment papers and a press release announcing his appointment as SBMA administrator.

Lumabas sa ulat na isang nagngangalang Mike Macapagal ang itinalaga ni Pangulong Aquino bilang administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

At upang patunayan ang pagkakatalaga sa kanya ng Punong Ehekutibo ay nagpakita pa si Macapagal ng kanyang appointment papers sa media kasama ang press releases na nag-aanunsyo ng pagkakaupo niya sa nasabing posisyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply