Necrological service ng Kongreso para kay Iggy sa Lunes na

NAKALATAG na ang negrological service at pagpupugay na ibibigay ng House of Representatives para sa yumao nilang miyembro na si Negros Occidental Cong. Ignacio “Iggy” Arroyo sa Lunes (Marso 5).

Ayon kay House Secretary General Marilyn Yap, pangungunahan mismo ni House Speaker Feliciano Belmonte ang ibibigay na pagpupugay sa yumaong mambabatas

Sinabi ni Yap na dadalhin sa plenaryo ng Kamara ang mga labi ni Arroyo at doon aalayan ng misa dakong alas-10:00 ng umaga at alas-11:00 naman ng umaga magsisimula ang necrological service.

Inaasahang maraming mga kongresista ang dadalo rito upang bigyang pagpupugay ang yumaong kongresista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply