Necrological service para kay Rep. Iggy sa Lunes na

SA LUNES (Pebrero 6) na ang necrological service para sa yumanong si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo sa Kamara.

Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte, na kung darating ang mga labi ni Arroyo bukas (Biyernes, Pebrero 3) ay sa Lunes na gagawin ang huling pagpupugay sa kongresista bandang alas-10:00 ng umaga.

Kinumpirma ni Belmonte, na nagte-text na umano sa kanya si Ginang Aleli Arroyo, ang asawa ng kongresista at nagtatanong ukol sa necrological service.

Ipinaliwanag pa ng Speaker na ang pagbibigay ng necrological service ay para sa lahat ng mga yumaong miyembro ng Kamara, maging ito ay miyembro ng mayorya o minorya.

Matatandaang yumao ang nakababatang kapatid ni dating First Gentleman Mike Arroyo sa London noong nakalipas na linggo dahil sa kumplikasyon sa sakit sa atay.

Samanatala, sinabi ni Belmonte na hindi magsasagawa ng special elections sa naiwang distrito (5th) ni Iggy.

Niliwanag nito na kung magsasagawa ng special elections ay tiyak na gaganapin na ito sa Hulyo na masyadong nang huli.

Nakipag-usap na umano siya sa kasamahan ni Arroyo mula sa Negros Occidental, na posibleng magsilbing caretaker ng distrito.

“All of them are saying na okay naman sa kanila,” ani Belmonte

Idinagdag pa nito na ang natitirang Priority Assistance Development Fund (PDAF), o pork barrel ng mambabatas ay maaaring ipamahagi sa mga lokal na opisyal sa kanyang distrito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply