Negosyante, bodyguard utas sa tambang

UTAS ang isang negosyante at kanyang bodyguard nang ambusin ng hindi nakilalang mga suspek sa Manila East Road, Barangay Batuhan sa Famy, Laguna kaninang umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Juan Gatdula Jr., 48, habang ang kanyang bodyguard ay si Timoteo Maala, 54.

Sa imbestigasyon, 6:30 ng umaga kanina, kasama ng negosyante biktima ang mga kaibigan at nagbibisekleta sa nasabing lugar nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay motorsiklo sa Sta. Maria, Laguna.

Nakuha sa lugar ng krimen ang ilang basyo ng kalibre .45 baril, habang patuloy namang iniimbestigahan ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply