Negros-Cebu region muling nilindol ng magnitude 5.3

MULING nakaranas ng pagyanig na may magnitude 5.3 na lindol ang Negros-Cebu region kaninang umaga, Pebrero 8.

Batay sa impormasyon mula sa U.S. Geological Survey, naitala ang pagyanig kaninang alas-4:37 ng madaling araw na may layong 63 kilometro sa kanluran-timog-kanluran ng Cebu o 70 kilometro sa timog-silangan ng Bacolod, Negros Occidental at may lalim na 10.2 kilometro.

Kaugnay nito, umakyat na sa kabuuang 1,026 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) simula nang tumama ang 6.9-magnitude na lindol sa nabanggit na rehiyon.

Ayon sa Phivolcs, sa nabanggit na record, 67 umano rito ay malalakas at naramdaman ng publiko.

Kabilang din dito ang naitalang 4.3 magnitude na lindol sa Guihulngan, Negros Oriental kaninang alas-4:48 ng umaga.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply