Negros muling niyanig ng magnitude 4.9: residente nag-panic

NAGDULOT ng takot sa mga residente ng Guihulngan City sa Negros Oriental ang naranasang panibagong malakas na aftershocks bago magtanghali ngayong araw, Pebrero 9.

Nabatid na habang nagsasagawa ng panayam kay Mayor Ernesto Reyes ang isang radio station, naramdaman ang pagyanig kung saan ilan sa kaniyang mga kababayan umano ay kaagad na nagtago sa ilalim ng mesa.

Batay sa report mula sa Phivolcs, naitala kaninang alas-11:09 ang magnitude 4.6 na lindol sa bayan ng Jimalalud.

“Lumilindol na naman. Malakas. Ito, ang mga tao dito, nagtago. Malakas talaga,” ayon sa opisyal.

Naramdaman din kaninang umaga ang Intensity IV sa Guihulngan at Intensity III naman sa Tayasan, Negros Oriental kasunod ng magnitude 4.6 na pagyanig.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply