Negros nilindol ng magnitude 6.8

NIYANIG ng lindol ang Negros area sa Visayas region na may magnitude-6.8 tanghali ng Lunes, Pebrero 6.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology head Renato Solidum Jr. sa panayam sa dzBB, may kalakasan ang lindol na naitala bandang alas-11:49 ng tanghali na tiyak na naramdaman sa ilang parte ng Northern Mindanao

“Yung damage possible (sa may Intensity V) kung mahina ang gusali,” pahayag ni Solidum.

Wala pa namang napaulat na nasira at nasawi sa naturang lindol.

Samantala ayon naman sa ulat ng Reuters, pinawi ng US National Oceanic and Atmospheric Administration ang pagdaluhong ng tsunami sa dagat malapit sa naturang lugar.

Naitala ang Intensity V (strong) sa Iloilo, Negros habang Intensity IV naman sa Cebu at Kalibo at naramdaman din ang pagyanig sa Bohol, at ilang parte ng Mindanao.

Ayon sa United States Geological Survey natagpuan ang epicenter nito sa 71 km south-southeast ng Bacolod, 79 km north ng Dumaguete, 88 km west-southwest ng Cebu, 564 km south-southeast ng Manila.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply