Negros O. nilindol ng magnitude 4.1

MULING niyanig ng lindol na may magnitude-4.1 ang Negros area sa Visayas, lugar kung saan una nang sinalanta ng magnitude 6.9 kamakailan, kaninang madaling-araw ng Linggo, Pebrero 19.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic in origin ang nasabing lindol na naganap bandang alas-3:30 ng madaling araw.

Sa kanilang bulletin, sinabi ng Phivolcs na natagpuan ang epicenter ng nasabing pagyanig sa 18 km southwest ng Vallehermoso, Negros Oriental.
Naramdaman ang Intensity III sa Canlaon City na kinokonsidera ng Phivolcs na mahinang pagyanig lamang.

Wala naming napaulat na aftershock at wala ring nasirang ari-arian o nasugatan man lang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply