‘News blackout’ kay Rep. Iggy Arroyo hiniling

NAIS ng pamilya ni Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo na magkaroon ng news blackout sa pagpapauwi sa labi ng opsiyal mula sa London.

Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, hiling ng pamilya Arroyo sa embahada ng Pilipinas sa London na huwag ihayag ang eksaktong petsa ng pag-uwi sa labi ni Arroyo at iba pang detalye hinggil sa isyu.

Nauna nang naibalita na ang anak na sa unang asawa ni Iggy ang mag-uuwi sa labi ng namayapang kongresista makaraang hindi kilalanin ng punerarya sa London si Aleli.

Si Bianca ay anak ni Rep. Iggy sa unang asawa na si Marilyn Jacinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply